Gastnutzer
21. Oktober 2024
500% NOT RECOMMENDED TONG RESORT NA TO KUNG AYAW NYO MANAKAWAN HABANG NAGSASAYA KAYO. masaya sana ang stay naming lahat sa reunion kaso na stress kami sa nangyaring nakawan ng pera. nawalan ng 3k pesos at nadatnan na open ang room at bag ng tita ko. ang kwarto ng tita ko na hindi hagip ng CCTV ng resort kaya hindi mapatunayan na staff ang kumuha kahit NAKITA NG DALAWANG MATA KO may pumasok at lumabas na staff sa kwarto ng tita ko that day that morning. Na identify ko ang face ng staff at nakausap ko. cmpre deny sila sa nakawan. ang management na kausap ko na si Ms. Lea na manager ay nangako na gagawan ng solusyon. pero hindi na nagparamdam or nagpadala ng kopya na nirerequest ko man lng ng email ng incident report. IN SHORT WALA PO SILA GINAWANG ACTION SA NANGYARING NAKAWAN. may kopya ako ng sms txt namin ni Ms Lea. sa mga susunod na mag stay na turista or mga kababayan ntin kahit nka lock ang pinto ng room nyo hindi safe sa resort na to dahil may kopya sila ng susi bawat rooms. matindi neto eh wlang CCTV sa hallway ng mga rooms. kaya kung may papasok man sa mga kwarto nyo na stranger, killer or robbers wala mapapakita ang biktima sa police station. sad pero pano na aprubhan ng munisipyo ang facilities ng resort na eto? karmahin sana ang resort na eto at ang staff na nagnakaw. nkakatakot mag stay sa casa resort nyo. first time pa naman namin dyan lahat. halos nasa 50 persons kami nag stay lahat dyan. MAG-INGAT SA RESORT NA ETO.
Übersetzen